taratsilipin


New Year’s Resolution
December 30, 2007, 9:09 am
Filed under: new years resolution

     Sabi nga nila ang pagbabago ay nakasalalay din sa iyo. Ang tanong magbago nga kaya ako, dahil nakasalalay ito sa akin? Magulo? di ko rin nagets ang sinabi ko. Simulan na natin ang New year’s resolution list ko na sana magawa ko.

 1. Di naku gaano iinom ng alak- Oo. Lumalaki na ang tiyan ko. Dapat magkasya na ulit yung mga pantalon at shorts ko sa akin. Dapat sexy na ulit next year. *achuchu*

2. Magaaral naku ng mabuti- Kung kelan naman graduating naku, dun ko pa naisip magaral ng mabuti. Baliktad talaga utak ko.

3. Mag-eexercise naku- Syempre dapat mapreserve ko ang hubog ng aking katakam takam na katawan.  Tatakbo ako ng 1 oras sa may Quezon City Circle at magbibisikleta.

4. Di na me tatahimik- Kapag ayaw ko. Ayaw ko. Kapag gusto ko. Gusto ko. Lagi ko kasi iniisip ang kapakanan ng iba. Baka mahurt feelings nila. Ngayon magpapakatotoo naku. Magiging palaban naku! *echoz*

5. Magmamakeup naku at bibili na ng mga girly dress- Yes. you hurt it right. Maglalagay naku ng blush on at lipstick. Girl naku. Kaya yung mga babae jan na type ako. BABAE PO AKO. di me pumapatol sa girl. San kaya ako bibili ng make-up kit?

6. Career first. Before Luvlife.- Wala naman talaga ako lovelife since pinanganak ako, pero alam kong madaming patay na patay sakin. kapal ba?.

7. Papakabait naku- Parang si Lavinia.

8. Magiipon naku- Promise. This time magiipon naku. Di na me magiging gastadora. Ano kaya mabili mamaya?

9. Magtratrabaho me after makapasa ng board- Wish me luck guys!! sana makapasa kahit june or december board man yan.

10. Magaaral magluto at tutulong sa gawaing bahay- Magaaral me magsaing at magluto ng mga ulam. Haha.. Para pwede na magasawa.. haha  Joke lang..

       Ayun na lang muna, pero yung iba sa akin na lamang. Ito na ang huling post para sa Taon na toh. Babalik ulit muna ako sa bahay ko www.walongbote.co.nr MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!!


7 Comments so far
Leave a comment

hahaha. dati, naggaganyan pa ako.walang ngyare. paulit-ulit lang yung new year’s resolution ko pero wala talaga. hehe. isa ang siguro akong dakilang pasaway. hehehe.

Happy New Year. :*

Comment by noime

parang ganito din new year’s resolution ko ah. Ayos. HAHA. :P Mag-aaral na rina ko mabuti para masaya si inay at itay!

anyways, tiga gitnang bayan ako ate. HAHA. Ayos, may kalapit bahay na ako na blogger. :D Link kita ate ha?

Comment by Ayiene

Happy New Year mare! :)

gudlak sa iyong New Year’s Reso.. halos pareho lang tayo ng mga gustong gawin.. kailangan ko ring pumayat bago ako umuwi ng Pinas.. ^_^ hehehe..

Hope you have a happy 2008!!! **hugs**

Comment by karmi

Ahaha! Ayos! :P

Marami din ako new years resolution, sana lang magawa ko haha! :) Goodluck to you this new year ^_^

Comment by icarus05

ay mare
tama yan
sa palagay ko nga
lalo na yung number one
hahaha

Comment by xienahgirl

dito k pla nagbagong taon tpos dun ka nagpasko sa isa.. ang saya.. hehehe.. sana mtupad reslutions mo.

Comment by repah

Magaaral naku ng mabuti

Nakakasira ng barkada yan, ikaw rin. =P

Comment by shisama13




Leave a comment
Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <pre> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>