
This Foundation is a charity build for Less fortunate Filipinos.
Kung ikaw ay naglalakad patungo sa iyong magarang trabaho o kaya naman sa isang kilalang Unibersidad, Ano nga naman sa iyo kung makakita ka ng P 1.00 sa daan. Ang maliit na sentimong ito ay walang halaga para sa iyo dahil sa malaki naman ang tinatanggap mong pera na hindi kayang higitan ng pisong baryang mapupulot lamang sa daan. Ngunit para sa mga batang kapus-palad na nagpapalaboy sa daan, ang pisong ito ay katumbas ng isang pandesal na tinapay na maaari ng makatulong pantawid gutom sa nangangalam na sikmura.
Ang www.springboard-foundation.org ay nangangalaga at tumutong sa mga kapus-palad sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga eskwelahan, daycare centers, Pagpapaunlad ng mga medical facilities para sa mga bata, micro-loans para sa mga nanay, at proyekto na tumutulong sa mga naabanduna at inabusong mga bata. Ang foundation na ito ay nagmimithi:
§ Empowering people to help themselves
§ Creating healthy, nurturing environments
§ Promoting growth within the environment of the family
§ Supporting schools, health care centers, orphanages and homes for street children.
Malaki ang maitutulong ng kaunting barya na maibibigay mo para sa mga bata at mga ina ng tahanan. Maganda ang misyon ng foundation na ito, Bilang isang mamayanan na sumasali sa mga charitable projects, Ako po ay kumakatok sa inyong mga puso na bisitahin nyo ang website nila at magbigay ng tulong http://springboard-foundation.org/how_to_help.htm Lalo na sa lahat ng mga Web bloggers na nagaari ng sarili nilang domain. Kaunti lamang ang hinihingi nila. Sana ay suportahan natin ang organizasyon na ito.
Mula sa hypothalamus at sa aking buong sistema, pigain pa ang buong intestine. Binabati ko kayo ng Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon! Heto ang aking munting regalo, na pinagkahirapan ko pang kunin mula sa alaga kong si garfield at si Odie.

Filed under: blog, buhay, kolehiyala | Tags: christmas party, inuman, pantomime game
Hindi ako makapag log in sa mismo kong blog <a href=”http://walongbote.co.nr”>walongbote</a> nagloloko na naman ang internet connection ko. Hindi ko tuloy malagyan ng bagong post, mabuti na lamang ay nandito ang <a href=”http://taratsilipin.wordpress.com”>Taratsilipin</a> ang aking bagong bahay.
Kahapon ay masayang dinaos ang aming Christmas party sa bahay ng kaklase naming si Patrick sa Filinvest. Bago pa kami nakarating sa kanila ay matinding pagod, pawis, perwisyo at inis ang aming inabot. Una matagal na naluto ang manok, dahilan kung bakit ang alas-3 ng hapon na pagkikita ay naging alas-5. Hindi kasi maluto ang manok sa kaserola, kaya inilipat namin sa kawali na sa palagay ko ay dapat nung una pa lamangg ay naisip na nila. Umorder kami ng anim na kahon ng pizza, isang malaking bilao ng pansit, lumpia, Tig isang kahon ng tsokolate cake at mocca, inihaw na tilapia, puto, bicol express at nagsaing ng kanin. Naiwan at nahuli kami ng aming presidente na si tobie kasama si molig at len sa abangan ng sasakyan sa tapat ng USTE. Dahil hindi kami kasya sa fx lahat. Dalawang oras kami bago nakarating sa bahay nila patrick dahil sa kung saan saan kami dinaan ng manong driver ng taxi na dahilan ng matinding traffic na aming inabutan sa philcoa. Sa sobrang pagod at gutom na inabot naming apat ay dinaan ko na lamang sa biro ang mga linyang ”Alam mo iyong gutom ko, nandito na!!” mula sa orihinal na script ng ”Sakal, sakali, saklolo” malapit ng ipalabas sa inyong mga sinehan.
Kahit na huling huli na kami nakarating ay masaya pa rin kaming hinintay ng mga kaklase namin. Salamat naman ay may naabutan pa kaming pagkain, dahil hindi pa pala sila nagsimulang lumamon. Pagkatapos ng kainan ay naglaro kami ng aming mga kaklase ng ”pantomine games”. Nagkaroon din ng inuman ngunit hindi na rin ako nagtagal pa, dahil sa gusto ko na ring umuwi. Hindi na ako nakasama sa kanilang overnight. Narito pala ang letrato ng aming section.
<br>sino kaya yung naka yellow?
Filed under: blog, buhay, kolehiyala | Tags: college life, mt. makiling, pictorial
Naaalala ko pa ang huli kong pagpapakuha ng letrato sa harap ng isang photographer, malapit na apat na taon na rin ang lumipas. Ito ay nung nag pictorial kami para sa graduation nung Highschool. Mahiyain ako sa kamera kapag isang photographer ang kukuha, nacoconsicious kasi ako. Pero ngayon ay naulit na naman itong muli, ngunit tulad nga ng lagi nilang sinasabi kapag ang isang tao ay nagiging matanda na, nagiging makapal na ang mukha. haha.. Ngayon ay hinarap ko ang photographer ng buong ”POISE”. Excited ako magpakuha ng letrato kagabi pa lang at talagang itoy pinaghandaan ko. Panay ang ngiti ko sa kamera upang kumuha ng magandang angulo na babagay para sa grad pic. Ko. Ito na kasi ang huling pictorial na mangyayari sa aking huling pagaaral.
Masyadong magastos ang graduation para sa mga nursing, una sa lahat mahal ang tuition fee namin. Pangalawa dalawang beses kami gumagraduate, ito ay ang pinning and ring ceremony na tinatawag naming clinical graduation na nakasuot pa kami ng gaila uniform at ang kinabukasan nun ay ang over all graduation na nakasuot kami ng toga. Pangatlo required kami bumili ng professional ring na para sa akin naman ay talagang mahalaga dahil ito ay isang paalala na ito ang aking propesyon na pinili. Pangapat mahal ang bayad para sa review para sa board exam, required kami mag in-house review. Panglima mahal ang pagdadausan ng aming graduation, Panganim bago kami makagraduate ay sandamakmak na requirements ang ipagagawa na kinakailangan gumastos ng malaki. Ito ay hindi ko nilalahat sa ibang nursing school, ito ay ang bayaran lang sa aming unibersidad, haha.. at siyempre ito ang usapan ng buong madla ang ”PICTORIAL”.
Bukod kasi sa naka toga kami at naka maria clara na outfit, meron pang pwedeng idagdag na package ito ang creative shots. Masaya ito kasi nakasuot ka ng mga kakaibang damit tulad ng fairy, angel, cowboy, egyptian, japanese, harry potter at kung anu ano pa. Gusto sana ng aking mother na piliin ko ang cowboy, pero sabi ng mga bading na taga make-up sakin ay mas bagay daw akong fairy (hayup!) hehe.. pang fairy pala ang beauty ko.. Nung una ay nagkakaturuan pa kami kung sino ang mauunang magpakuha, pero syempre mahiyain nga ako sa photographer kaya pinauna ko na sila. Dahil sa nahuli ako at wala namang nakatinging iba, nagposing ako ng walang hiya hiya haha.. Naisip ko kasi, sige! Minsan lang ito.. bakit di ko pa karirin ang pagiging isang ”DIYOSA NG MT. MAKILING”.. haha..
Dahil nga sa ”UBER” ang pangangarir ko, pagkatapos ko magpakuha sa photographer ay kinuhanan ko pa ang sarili ko gamit ang kamera ng pon ko. Siyempre nais ko ito ay inyong makita rin, dahil sa WALA NA AKONG HIYA.. haha..
bisitahin nyo na lang yung friendster ko, njan yung pic.. hehe..