taratsilipin


BSN IV-C Christmas party
December 22, 2007, 6:59 am
Filed under: blog, buhay, kolehiyala | Tags: , ,

Hindi ako makapag log in sa mismo kong blog <a href=”http://walongbote.co.nr”>walongbote</a> nagloloko na naman ang internet connection ko.  Hindi ko tuloy malagyan ng bagong post, mabuti  na lamang ay nandito ang <a href=”http://taratsilipin.wordpress.com”>Taratsilipin</a>  ang aking bagong bahay.       

 Kahapon ay masayang dinaos ang aming Christmas party sa bahay ng kaklase naming si Patrick sa Filinvest. Bago pa kami nakarating sa kanila ay matinding pagod, pawis, perwisyo at inis ang aming inabot. Una matagal na naluto ang manok, dahilan kung bakit ang alas-3 ng hapon na pagkikita ay naging alas-5. Hindi kasi maluto ang manok sa kaserola, kaya inilipat namin sa kawali na sa palagay ko ay dapat nung una pa lamangg ay naisip na nila. Umorder kami ng anim na kahon ng pizza, isang malaking bilao ng pansit, lumpia, Tig isang kahon ng tsokolate cake at mocca, inihaw na tilapia, puto, bicol express at nagsaing ng kanin. Naiwan at nahuli kami ng aming presidente na si tobie kasama si molig at len sa abangan ng sasakyan sa tapat ng USTE. Dahil hindi kami kasya sa fx lahat. Dalawang oras kami bago nakarating sa bahay nila patrick dahil sa kung saan saan kami dinaan ng manong driver ng taxi na dahilan ng matinding traffic na aming inabutan sa philcoa.  Sa sobrang pagod at gutom na inabot naming apat ay dinaan ko na lamang sa biro ang mga linyang ”Alam mo iyong gutom ko, nandito na!!” mula sa orihinal na script ng ”Sakal, sakali, saklolo” malapit ng ipalabas sa inyong mga sinehan.                     

Kahit na huling huli na kami nakarating ay masaya pa rin kaming hinintay ng mga kaklase namin. Salamat naman ay may naabutan pa kaming pagkain, dahil hindi pa pala sila nagsimulang lumamon. Pagkatapos ng kainan ay naglaro kami ng aming mga kaklase ng ”pantomine games”. Nagkaroon din ng inuman ngunit hindi na rin ako nagtagal pa, dahil sa gusto ko na ring umuwi. Hindi na ako nakasama sa kanilang overnight. Narito pala ang letrato ng aming section.

BSN IVC

 <br>sino kaya yung naka yellow?



no shy on cam
December 20, 2007, 11:03 am
Filed under: blog, buhay, kolehiyala | Tags: , ,

Naaalala ko pa ang huli kong pagpapakuha ng letrato sa harap ng isang photographer, malapit na apat na taon na rin ang lumipas. Ito ay nung nag pictorial kami para sa graduation nung Highschool. Mahiyain ako sa kamera kapag isang photographer ang kukuha, nacoconsicious kasi ako. Pero ngayon ay naulit na naman itong muli, ngunit tulad nga ng lagi nilang sinasabi kapag ang isang tao ay nagiging matanda na, nagiging makapal na ang mukha. haha.. Ngayon ay hinarap ko ang photographer ng buong ”POISE”. Excited ako magpakuha ng letrato kagabi pa lang at talagang itoy pinaghandaan ko. Panay ang ngiti ko sa kamera upang kumuha ng magandang angulo na babagay para sa grad pic. Ko. Ito na kasi ang huling pictorial na mangyayari sa aking huling pagaaral.

Masyadong magastos ang graduation para sa mga nursing, una sa lahat mahal ang tuition fee namin. Pangalawa dalawang beses kami gumagraduate, ito ay ang pinning and ring ceremony na tinatawag naming clinical graduation na nakasuot pa kami ng gaila uniform at ang kinabukasan nun ay ang over all graduation na nakasuot kami ng toga. Pangatlo required kami bumili ng professional ring na para sa akin naman ay talagang mahalaga dahil ito ay isang paalala na ito ang aking propesyon na pinili. Pangapat mahal ang bayad para sa review para sa board exam, required kami mag in-house review. Panglima mahal ang pagdadausan ng aming graduation, Panganim bago kami makagraduate ay sandamakmak na requirements ang ipagagawa na kinakailangan gumastos ng malaki. Ito ay hindi ko nilalahat sa ibang nursing school, ito ay ang bayaran lang sa aming unibersidad, haha.. at siyempre ito ang usapan ng buong madla ang ”PICTORIAL”.

Bukod kasi sa naka toga kami at naka maria clara na outfit, meron pang pwedeng idagdag na package ito ang creative shots. Masaya ito kasi nakasuot ka ng mga kakaibang damit tulad ng fairy, angel, cowboy, egyptian, japanese, harry potter at kung anu ano pa. Gusto sana ng aking mother na piliin ko ang cowboy, pero sabi ng mga bading na taga make-up sakin ay mas bagay daw akong fairy (hayup!) hehe.. pang fairy pala ang beauty ko.. Nung una ay nagkakaturuan pa kami kung sino ang mauunang magpakuha, pero syempre mahiyain nga ako sa photographer kaya pinauna ko na sila. Dahil sa nahuli ako at wala namang nakatinging iba, nagposing ako ng walang hiya hiya haha.. Naisip ko kasi, sige! Minsan lang ito.. bakit di ko pa karirin ang pagiging isang ”DIYOSA NG MT. MAKILING”.. haha..

Dahil nga sa ”UBER” ang pangangarir ko, pagkatapos ko magpakuha sa photographer ay kinuhanan ko pa ang sarili ko gamit ang kamera ng pon ko. Siyempre nais ko ito ay inyong makita rin, dahil sa WALA NA AKONG HIYA.. haha..

bisitahin nyo na lang yung friendster ko, njan yung pic.. hehe..



taratsilipin (re-opening)
December 15, 2007, 11:34 am
Filed under: buhay, kolehiyala

              Diba’t parang kelan lang ay nagsisimula pa lang ako sa aking mga pangarap? Pangarap na hanggang ngayon ay pinagsusumikapan ko, upang mabigyan ng kasiyahan ang mga tao gayut din ang aking sarili. Matagal tagal na rin ang dumaan na panahon, marami na ring napagdaanan, at dahil sa matinding pananalig sa kanya ay aking nalampasan ang dagundong ng buhay. Datapwat ito ay isa pa lamang simula ng aking hinahangad na makamtan, at kung sa iyong palagay ay marami pa akong kakainin na bigas.. Maaari mo bang ituro sa akin kung paano ko sisimulan ang pagkain ng bigas? Na ang pagkakaluto ay hindi maging isang tutong o kaya ay hilaw na kanin. Nais ko na ang pagkakaluto sa sarili ay katulad ng isang sinaing na mabangot, masarap at makahulugan.

Kung ang lahat ng tao ay mamatay at lilipas din. Sana ay matutunan ko at malaman ang kahulugan ng buhay. At kung ito man ay malabo, bigyan sana ng daan ang nanlalabong mata, akayin upang hindi madapa at gabayin sa tamang landas. Sa pagbubukas ng panibagong simula sana ay maging makabuluhan ang lahat ng ito. ”TARAT SILIPIN” at samahan ako sa aking mga pangarap.

Opisyal ko ng binubuksan ang bagong blog na ito …
www.taratsilipin.wordpress.com

                                                

”Patuloy akong makikipagsabayan sa haba nitong daan.. hanggat sa maabot ko ang aking pangarap” -jsa08