taratsilipin


Higanti
June 16, 2008, 4:04 am
Filed under: Uncategorized

Hindi na ligtas na magpahayag ng damdamin. Bagamat bawat sandali ay pinipigilan ko ang aking sarili na sabihinĀ  ang mga salitang ito. Maraming mga matang nakamasid, bawat letra ng isinusulat ko ay hindi nakakalampas sa mga matang mapanuri.

Bawat araw na nagdaan napagnilaynilayan ko na may mga bagay sa mundo na mahirap talikuran, gayun din naman simulan ang isang makabagong pagkatao. Naalala ko pa noonng talikuran ko ang isang kahibangan na dulot ng nakalalasong pag-ibig. Bawat araw ay unti-unti kang pinapatay ng mga alaala na matagal mo ng nilunok upang sabihin na malakas ka.

Gumising ka sa kinaroroonan kung saan matagal mong di nasilayan, na may mga tao palang nagmamahal sayo na higit pa sa inaakala mo. Dinama mo ang bawat ngiti na gumuguhit sa iyong labi maipakita lamang na hindi ka nagiisa.

Sa una ay tuwang tuwa ka na marami sa kanila ang nais alagaan ang iyong puso kayat bawat magalok ay binibigyan mo ng pagkakataon. Ngunit hindi mo maitatanggi sa iyong sarili na nababalot ka ng paghihiganti. Alam mo sa simula pa lamang ng laro ay wala sa mga ito ang nais mong makasama pang habang buhay. Masaya ka lamang sa pag-ibig na kanilang inaalok ngunit alam mong walang sinuman ang may puwang sa puso mo.

Ngunit habang tumatagal unti-unti ka ng nilalamon ng iyong kwento sapagkat naiinis ka na sa mga taong ito na pilit ipinagsisiksikan ang kanilang sarili. Wala kang paraan upang itigil na ang mga kahibangan na ito sapagkat ito ay iyong nasimulan na. Masama man ngunit bahala na. Sa mga pagkakataong ito alam kong ginusto ko ito upang maipakita sa kanya na hindi lamang siya ang may karapatang gawin ang lahat ng mga katiwalian na isinisigaw ng lipunan.

Magpaasa? Hindi bat ikaw ang nagturo nyan sa akin. Manlinlang? Hindi bat nagagalak ang iyong puso habang pinaiikot mo ako sa iyong kamay. Iwanan? Hindi bat sabi mo kung masakit ang pag-ibig dapat na itong kalimutan. Ngayon hayaan mo ang mga turo mo ay magsilbing aral at maipadama ang sakit sa mga kauri mo.


Currently listening: Always be my baby-David Cook
Currently reading: Inscribed Under: Tagalog Literature
Currently feeling: satisfied



Entablado
June 1, 2008, 2:35 am
Filed under: Uncategorized

        Dahan-dahan niyang tinatahak ang daan patungong pasilyo ng kanilang auditorium. Tahimik ang buong koridor na nababalot ng kaunting sinag ng liwanag na tumatagos sa bawat sulok ng tanghalan, Ito ay nagmumula sa poste ng ilaw na nakatayo sa harap ng kanilang gusali.

         Alas siyete na ng gabi ng kanyang mapansin ang oras  na nakasabit malapit sa labas ng dingding ng isang kwarto. Galing pa siya mula sa kanilang pageensayo sa dulaang kanyang gaganapan bilang si “Marites” isang estudyante na tinanggalan ng puri ng kanyang manliligaw pagkatapos siyang gahasain at patayin. Ang bawat eksena sa kanilang praktis ay malinaw na malinaw sa kanyang gunita. Ang bawat script na kanilang binibigkas ay halos makatotohanan. Ang mga actor at aktres na kanyang kasama ay sadyang mga batikan na sa larangan ng dulaang entablado. Simula ng kinuha niya ang kursong “Theatre and Arts” nabago na ang istilo ng kanyang pamumuhay. Parati na siyang umuuwi ng gabi o di kaya ay madaling araw na.
Habang sa loob ng pasilyo ay binibigkas niya ang mga linyang “Hindi ako sasama sayo. Hindi ako sumasama sa mga katulad mo!.” Ngumiti siya sa salamin at sinuklay ang kanyang mahabang buhok. Ito na ang simula ng mga pangarap ko. Magiging isa akong magaling na aktres. Makikilala ng maraming tao”. Sambit niya sa kanyang sarili. Habang inaayos niya ang mga gamit sa kanyang bag nakarinig siya ng mga boses na nagmumula sa labas. Maya maya pa ay nakarinig siya ng mga sigawan. Dahan-dahan siyang lumapit sa pintuan upang silipin kung anong ingay ang nangyayari doon. Nakita niya ang isang babae at lalake na nasisinigan ng kaunting liwanag mula sa labas ng gusali. Pinakinggan niya ang bawat salita na sinasambit ng dalawa. “Ano pa bang gusto mo?” tanong ng lalake “Ang lumayo ka na. Yun ang gusto ko!” sagot ng babae. “Hindi pa ba sapat ang mga binigay ko sayo? Ano bang meron dun sa boyfriend mo na wala ako!” galit na bigkas ng lalake. “Hindi kita mahal at hindi kita kayang mahalin. Kaya layuan mo na ako!” sigaw ng babae. Maya maya pa ay biglang nawala ang mga boses. Agad na kinuha niya ang kanyang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng pasilyo ngunit biglang pumasok ang babae at lalake sa lugar kung saan siya naroroon. Hawak hawak ng lalake ang buhok at leeg ng babae habang nakatutok ang mga patalim sa dibdib ng babae. Takot na takot siya at nagsisigaw “Itigil mo yan!!! Maawa ka sa kanya.” Ngunit hindi siya pinapansin ng lalake. Pumasok ang dalawa sa isang pasilyo at nakita niyang pinaghuhubadhubaran ng lalake ang babae. Sumisigaw ito ng “Tulong!!! Tulungan ninyo ako!. Maawa ka sakin!!”. Nanigas ang kanyang mga paa at hindi na ito kumikilos sa kanyang pagkakatayo. Pinagmamasdan lamang niya ang bawat malagim na eksena na nagyayari mismo sa kanyang harapan. Maya maya pa ay sinaksak ng lalake ang babae. Sumigaw siya ng sumigaw at sinipa ang lalake sa likuran nito ngunit sa kanyang pagtataka ay tumatagos lamang ang bawat tadyak niya dito. Bigla siyang natigilan at nagtatatakbo palabas.

          Mabilis ang kanyang takbo hanggat nakarating siya sa sa sakayan. Doon ay takot na takot siya habang inaalala ang mga nasaksihan sa Auditorium. Nagmamadali siyang sumakay ng jeep at  umuwi na.

         Kinabukasan sa Auditorium ay takot na takot pa rin siya sa kanyang nasaksihan habang paulit ulit niyang ginugunita ang mga nanyari. Ngunit sa kanyang pagtataka wala ni isa sa kanyang mga kasamahan ang nagsasalita ukol sa kanyang nakita. Itinanong niya sa kanyang kasamahan kung wala ba silang nabalitaan na nanyari noong gabi. Ikinuwento niya ang lahat ng mga ito mula sa simula. Ngunit lahat ng mga ito ay tumawa lamang. “Bakit anong nakakatawa sa kwento ko? Totoo lahat ng nakita ko. Maniwala kayo sa akin, kung gusto ninyo puntahan natin sa pasilyo nito. Nandun ang bangkay ng babae” wika niya. Ngunit isa sa mga kasamahan niya ang nagsalita “Bakit hindi kami matatawa eh yan ang kwento sa ating dulaan. Basahin mong muli ang scrift. Baka nakakaligtaan mong ikaw ang gaganap na Marites” natatawa nitong sinabi. Doon bumalik sa kanyang alaala ang mga nanyari. Nagtatakbo siya habang umiiyak palabas ng auditorium. Doon ay nakasalubong nya ang kanyang boyfriend. Tinanong nito kung anong nanyayari sa kanya. Matagal siyang nanahimik at tinignan ang muka ng kanyang boyfriend. Itinulak niya ito at sinabi “Ang laking kasalanan ko ng pagmasdan lamang kita habang pinapatay si Marites, para lamang mapunta ka sa akin at ang pagtakpan ka sa krimen na nagawa mo!. At ngayon ako ang gumaganap sa papel nya!”. 
 

Currently listening: Always be my baby
Currently watching: lovers
Currently reading: Inscribed under: FICTION (Maikling kwento)
Currently feeling: scared



Pagod. Pawis. Pera.
May 21, 2008, 2:38 am
Filed under: Uncategorized

             Alas singko y’ medya ng umaga pa lamang ay muka ng haggardness ang pagmumuka ko, binalot ng buong pawis ang aking katawan mula bumbunan hanggang kasitsingitan ng aking –um. Di ko malaman kung nasaan lupalob ng cabinet ang mala manager kong formal attire. Dalawampung minuto ko ata hinanap ang damit na yun, at ng matagpuan ay agad-agad kong sinuot ito, ngunit halos hindi ko maisara ang pinakaharap na butones dahil sa malaking baby fats na humaharang. Di ko akalain na talagang tumataba na nga talaga ako, at ang dating 26 na baywang ay umabot na ng 29-30. Di pa rin masama, sexy pa rin naman ngunit mukang kailangan na talagang magbawas bago pa magmuka akong si—INCREDIBLE HULK. Nagpatulong na ako sa ulira kong ina na lagyan ng pardible ang di maisarang blouse. Pagkatapos mo hanapin ng ganung katagal, madidismaya ka lamang sa iyong masasaksihan.

 

           Dumating ako sa MRT Alas siyete y’medya ng umaga, halos bawat lane ay punong puno ng tao. Exagge na kung Exagge ngunit halos 10 train na ata ang dumaan ngunit di pa rin ako makasakay. Nakakapagtaka lamang halos di nauubos ang taong sumasakay sa tren. Halos lahat pa ng pasahero ay bumababa ng buendia o kung hindi man ay sa ayala. Alam naman nating lahat na ang makati ay sentro ng pangkalakalang negosyo sa loob man o labas ng Pilipinas, ngunit kung tutuusin hindi naman lahat ng taong nagtratrabaho sa makati ay sosyal. Ang iba sa kanila ay matatawag nating—MAPAGPANGGAP. Karamihan ay nakatambay sa STARBUCKS/COFFEE BEAN Masabi lang na sosyal ay halos lumamig na ang kape sa kanilang mesa ay ayaw pang laklakin ang mga natitirang patak ng kape sa tasa. Ang mga dating hindi mahilig magbasa ng dyaryo ay napipilitang basahin pati ang OBITUARY page. Hai. Pinoy nga talaga.

 

            Dahil di naman ako madalas sa makati ay nagtanong tanong ako kung saang lugar ang Metrobank Plaza, nasa ayala ako ng mapagtanto kong nasa gil puyat ave. pala malapit sa buendia ang lintek na building. Dahil sa kailangan ko rin ng exercise mula glorietta, twin tower, manila peninsula, insular life at kung ano ano pang building o hotel na aking dinaanan ay tinahag ko ang buendia mula ayala. Halos lumabas ang dila ko sa layo ng aking nilakad. Mabuti naman ay narating ko din ang lugar sa halos 45 minutes na paglalakad. Sinadya ko talagang maglakad dahil sa gusto ko rin mag lose ng weight. Pero di ko inakala na ganun pala kalayo ang nalakad ko. Nalaman ko na lamang ito ng magpaltos ang dalawa kong paa. Buong akala ko ay isang job offer working through internet ang pinunta ko dun, ayon sa kaklase ko. Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ay isa pala itong network marketing seminar. Kesa naman sa masayang ang oras at pagod na nilakad ko patungo dito ay nakinig na lamang ako. Malay mo maging katulad ko si—HENRY SY. Isang kilalang negosyante na mayari ng mga SM sa pinas. Nakakaencourage ang mga sinasabi ng mga tagapagsalita, ngunit marahil sa disappointment na aking napala ay nakikipalakpak na lamang ako kahit na di ko naiintindihan ang mga pinagsasabi nila.

 

           Pauwi na ako habang nakasakay sa bus ng may sumakay na isang lalake at tumabi sa akin. Halos masira ang kurba ng ilong ko sa sobrang anghit ng amoy ng lalake. Di ko alam kung nagfufunction pa ba ang small intestine ko dahil sa pagkakaalam ko ay nagkabuhol buhol na ito sa loob. Humingi ako ng galang at umalis sa tabi niya ng tumigil ang bus, sa pagkukunwaring malapit na ako bumaba at kailangan ko ng lumipat ng upuan malapit sa pinto ng bus. Sa wakas nakasinghot din ng sariwang aircon. Bumaba ako sa gateway at nagabang ng sasakyan pauwi sa amin, ngunit halos 30 minuto na ay di pa rin ako makasakay. Kaya nagtiis na lamang ako pumunta sa pinaka terminal o sakayang ng FX papunta sa amin, kesa makipagunahan sa mga tao sa kalsada. Halos Isat kalahating oras kaming nakatayo sa pilahan bago kami nakasakay, ngunit ng maiupo ang nanabik na puwet sa Fx ay bigla kaming pinababa dahil na—FLAT daw ang gulong. Muli 30 minuto kami naghintay bago nakasakay.

 

            Ng makauwi sa bahay ay halos pagod na pagod ang aking buong kaluluwa. Kasama ng bugbog kong paa. Ngunit isang aral lamang ang iniwan sa akin ng araw na iyon—DI MADALING KITAIN ANG PERA. KAILANGAN MO NG MATIBAY NA SIKMURA AT PAA.

Currently listening: realize–colbie caillat
Currently reading: inscribed under- kwentong life
Currently feeling: stressed



Asan ang punto?
May 11, 2008, 2:40 am
Filed under: Uncategorized

         Isang oras.. dalawang oras.. tatlong oras.. dalawang araw  pun*** o sige wag na lang! suko na ako. Di ko na talaga idodownload ang yahoo messenger. Kesehodang di ako makapagchat. Gusto ko lang naman ipagmalaki ang bagongbago kong Webcam. Eh ano ngayon kung hindi nila masilayan ang maganda kong pagmumuka. Haha. Eh kasi itong pinsan ko sa hongkong, gusto daw niya ako makita. Pero ang totoo nyan, ookrayin lang ako nun, dahil alam nyang medyo tumaba ako. Dala siguro ng mahabang bakasyon at wala akong ginawa kung hindi ang humilata sa bahay, kumain, matulog at hawakan ang remote ng TV. Di ko man lang naisip na medyo lumulobo na ako. Ano ba namang itong mga tao na toh. Nung sobrang payat ko na parang walis tingting na panay ang tukso nila sa akin na “konting hangin lang. tiyak matatangay ka.” At ang pinaka malala pa ay ang sabihin sayo “naka drugs ka ba?”. Akala ko yun na ang pinaka nakakainis na bati sakin, pero nung medyo nagkalaman ako ngayong bakasyon abay sabihin bang “buntis ka ba? Laki kasi ng tiyan mo!” waahh!.

        O sige, bahala kayo sa buhay niyo! Basta ang alam ko di na ako ganong umiinom. Tama ang narinig ninyo. Haha.. Eh pano pang tatawaging WALONGBOTE itong site kung di na ako umiinom? Haha. Sabihin na lang natin na nagiwan ng malaking marka at alaala ang blog na ito. Yun ay ang minsang pinatawa, pinaiyak, pinakati, pinasok, pinasuka, pinakilabot kayo ni WALONGBOTE. Maalala nyo pa sana ako. Muling nagbabalik ang blog na ito. Kasabay ng isa kong blog www.superjen.vze.com Maraming salamat sa paghihintay. Lalo pat marami na naman tayong beer na pagsasamahan. Isang tagay naman jan mga ka-bloggers!!! Ito ang punto.

Currently listening: maalala mo sana-silent sanctuary
Currently feeling: thankful



Trahedya sa daan
April 30, 2007, 2:42 am
Filed under: Uncategorized

Babala: Ang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang di angkop sa mga batang kumakain pa ng lollipop. Patnubay ng magulang ay kailangan. Rated PG 18.

 

 

 

          Marami sa atin ay takot sa nilalang na ito. Pag nakikita pa lamang sila ay nagsisitakbuhan na ang mga tao, nagtitilian, kumukuha ng tsinelas o kaya tinetepok gamit ang pamatay na insecticide o spray. Malas mo kapag ang katabi mo ay ikaw ang pinalo ng tsinelas sa muka dahil sa sobrang bugso ng kanyang damdamin.

Ngunit naisip mo bang kung nagsasalita lang ang ipis ay sinabi nya na sayo na “wag ka naman ganyan! Ginawa rin naman ako ng diyos!” — hala kung siya man ay binigyan nga ng pagkakataong magsalita, ay dun talaga ako matatakot.. mas nakakatakot kaya ang nagsasalitang ipis kesa sa lumilipad na ipis.

Ang totoo nyan ay di naman talaga ako takot sa ipis lalo na kung gumagapang lang naman ito. Tumatakbo lang ako kapag ito ay nasimula ng “magfly-fly-fly”  sa kadahilanang mayroon itong mga dalang mga sakit. Mas takot ako sa bulating itim, na kahit di pa lumalapit sakin ay tumitili na ako, lintik! lang ang hindi tamaan ng malalaki kong tsinelas na size 7.

Pero, ayoko rin naman talaga din ng ipis. Pero hindi naman ito maiiwasan lalo pat kung umakyat ito mula sa mga imburnal, o lumusot sa mga butas ng bahay. Ang tanging solusyon na lamang ay puksain sila!!. Ngunit ang tanong ay naawa ka ba kahit minsan kapag pinapatay nyo sila? Sa palagay ko hindi. Ngunit kung nasaksihan nyo sana ang kaawaawang kapalaran ng isang ipis na nakita ko kaninang umaga, siguro hindi ka na magiging malupit ng sobra sa ipis.

Patungo ako at ang aking ina sa aking duty sa Caloocan kaninang madaling araw (4:30am), ihahatid nya ako dahil sa hindi ko alam kung paano ang daan papuntang caloocan health department, kung saan magkakaroon kami ng orientation ng aking mga kasama, bago kami dalhin sa kanikaniyang barangay health center ng aming C.I(clinical instructor). Habang kami ay naghihintay ng masasakyan, ay napansin ko ang isang ipis na gumagapang sa daan. Sabi ko sa aking ina— “mommy, tignan mo yung ipis.. angas eh, sa gitna pa talaga dumadaan..pag yan naipit.. tignan na lang natin!”  ngumiti ang aking ina at sinabi “tamo, tumitigil siya kapag may dumadaan na sasakyan.” Natawa ako dahil sa matalas pa pala ang paningin ng aking ina kahit na parati na lang nya bitbit ang kanyang reading-sunglasses at syempre LOGIC yun noh!! Ako nga di ko naisip na tumitigil siya dahil pala sa may dumadaan na sasakyan..asuz! *toinks*

Pinanood ko pa rin ang ipis na walang takot na binabaybay ang daan kasabay ng mga nagsisiliparang jeep. At sa di inaasahang pangyayari o inaasahan ko na.. nasaksihan ko ang isang karumal dumal na pagkamatay ng isang ipis na maaaring katumbas ng track ang bigat para sa kanya. Bigla ko na lamang narinig ang mga tunog na bumuhay sa tutulog tulog kong gunita.

BOOM!


Pagkatapos ma hit and run ng walang kalaban laban na ipis ay nakita ko ang kanyang mga nagkalasug-lasog na katawan. Sabi ng aking ina “lakas non ha!”  di ko alam kung ako ay matatawa o malulungkot sa kanyang kapalaran. Ngunit mas nalungkot ako ng biglang

BOOM!


Muli.. “he goes to his never ending journey”— akala ko ay sa baboy lamang ang gumagamit ng salitang ito ngunit maaari na din pala ito para sa ipis “double-dead”.
Sa kaawaawa nyang napala, naisip ko na lamang na “buti na lang talaga di xa nagsasalita, kasi kung nagsasalita xa sasagipin ko xa!”.

Currently listening: kung ayaw mo na sa akin–sugarfree and I will survive!
Currently reading: inscribed under: animal thing!
Currently feeling: sympathetic



Lucky 16?
April 16, 2007, 2:44 am
Filed under: Uncategorized

          Hindi ko paborito ang numerong 16 , nagustuhan ko lamang ito dahil sa magaan sa pakiramdam sa tuwing naririnig o nakikita ko ito. Sa isang daang porsyento na nilalang sa mundo  45% ang favorite number ang 16. Makikita mo ito sa mga damit, badge, sapatos at kung saan saang mga ginagamit na bagay. Kilala din ito sa tawag  na ‘SWEET 16’ kung saan ang isang babae ay umabot na ang edad sa numerong ito. Hindi ko alam, pero nung ako ay labing anim na taong gulang ay hindi naman ako matamis. Seryoso hindi ako matamis, hindi talaga ako sweet. Sa literal na tawag hindi talaga ako matamis, pero kung ito ay isang – - idiomatic expression o isang metaphore hindi pa rin ako sweet dahil hindi ako girlalush, o makikay o kaya naman ay hindi ako malambing. Kung malambing man ako, isa siguro akong brutal na sweet na tao dahil sa ‘pangaasar’ ang paraan ko ng pagiging sweet. Sa anumang kadahilanan kung bakit tinawag na ‘sweet’ ang 16, ito lang ang masasabi ko ayokong langgamin.

          April 16, 2007 kahapon – -kuneksyon? Malaki ang kuneksyon ng numerong 16 sa nanyari kahapon.

          Maaga ako gumising kahapon, alas-dos y’ medya pa lamang ng madaling araw ng kumain ako ng almusal at naligo ako. Kinakailangan kasing alas-kwatro ng umaga ako makarating sa eskwelahan ng dahil sa inaakala naming lahat na ‘adding ng subjects’ nung araw na iyon. Kung saan lahat ng kulang mong subjects ay pwede mong i-add ngayong summer, lalong lalo na sa isang transfer na tulad ko. Dahil sa na-media ang eskwelahan namin noon sa kadahilanang nagkaroon ng stampede nung adding, dahil sa mahaba ang pila, ayoko ng uling maulit iyon at makipagsabayan sa mga nagtutulakan at mga makakapal ang mukang harap harapang nakikipagsingitan sa pilahan. Alas-tres y’ medya na ako nakaalis ng bahay at dumating sa cubao ng alas-kwatro. Dahil nga alas-kwatro na, hinintay ko na lamang ang LRT magbukas ng alas-singko. Dumating ako sa eskwelahan ng alas singko y’ medya, at ako..ako.. ako.. lamang ang tao sa eskwelahan!!
Walang pila—wala.. wala talaga. Nahandun ang aming guard at tinanong ko kung may adding ba ng subjects at ang sabi nya ‘nagalit si DEAN nung sabado, kasi may nagkalat na adding daw nung araw na iyon. Kaya nagkagulo. Kaya walang adding ngayon’. Biglang naguho ang aking mundo dahil sa pagkatapos ng paggising ko ng maaga ay wala rin pala akong napala. Isa itong malaking NO-NO—hinde pwede toh!!! Hinintay ko dumating ang mga kaklase ko, ibinalita ko sa kanila na ‘walang adding daw’ kitang kita ko sa kanilang mga tenga ang usok ng isang torong nagpupumiglas sa sama ng loob.

          Umuwi na lamang ako sa bahay ng sawi, ngunit dumaan muna sa SM upang bumili ng cake dahil birthday ng araw na iyon ng aking – tanging ina. Oo, birthday din nung araw na iyon ng aking ina! Kaya hindi ko alam kung magiging masaya ako o malulungkot. Birthday din nung araw na iyon ng aking kaibigan sa highschool, kaya pumunta ako nung hapon sa bahay nila. Kasama ng iba pang mga kaibigan. Hindi ako gaanong umiinom ng ‘SAN MIG LIGHT’ hindi siya kayang tanggapin ng sikmura ko. Sanay ang aking tiyan sa ‘REDHORSE’.. oo tama! Nasimulan ko kasing uminom sa mataas na kalibre ng klase ng alak, kaya hindi kaya ng aking lalamunan ang SAN MIG LIGHT. Pero dahil libre ang inuman sa bahay ng aking kaibigan, at ‘SAN MIG LIGHT’ lamang ang pwedeng tirahin, at dahil sa nais ko ding uminom wala akong nagawa kung hindi tunggain ang matalik na kalaban ng aking pagkatao. Pinapak ko ang manok kasabay ng paginom ng alak. Sa sobrang kabusugan, nagsimula ng magalab ang aking tiyan. Humarurot ako sa banyo at doon nilabas ang sama ng loob. Oo! –Sumuka ako!. Sa kasawiang palad hindi ko namalayan na kasama sa aking pagsuka ang aking ‘RETAINER” anak-ng-katipunan! nawala ako sa aking kamalayan at binuhusan ko pa ang inidoro. Kasabay ng paglubog ng manok, at ibat ibang pagkain at alak na sangkap ng aking suka ay lumubog din ang nagkakahalagang ‘P 3, 500’ na retainer, na pinalubog ko lamang sa inidoro. Paglabas ko ng kubeta, wala pa rin ako sa katinuan, tawa pa rin ako ng tawa at kwento ng kwento.. ng maramdaman kong ayos ang aking pagsasalita at walang maramdamang bakal sa aking bunganga. Nagpumiglas ako at sumigaw ng ‘PUTANGINA! Ang RETAINER koh’ nagurumintado ako at pinilit na isipin kung saan napunta ang retainer na nasa bunganga ko lamang at biglang nagdissapear. Dun lamang nagising ako sa kamalayan na ang retainer na hinahanap ko ay wala sa timba, wala sa upuan, wala sa aking lalamunan kung hindi nasa ‘POSONEGRO’ na. Hindi ako umiyak—nagaalala lamang ako sa sermon na maririnig ko sa aking ina pagdating sa bahay. Birthday pa naman nya!

          Hilong-hilo ako sa ‘SAN MIG LIGHT’ na tinira ko, at sumuka pang muli sa banyo, kasabay ng nangingilid na luha sa aking mata sa kasawiang inabot ng araw na iyon. Naalala ko tulog nung ako ay nag-debut, san mig light ang inorder ng aking ina. Sa pagaakala nyang kaya ng aking tiyan ang alak na iyon. Mabuti naman at nung araw na iyon ng tutunggain ko na ang SAN MIG LIGHT ay biglang inagaw sa aking mga kamay ang taong sumisimbolo sa aking buhay ng numerong ‘16’ siya kasi ang kadahilanan kung bakit natutunan kong mahalin na rin ang numerong iyon. Paborito nya kasi yung numerong iyon at halos maubos ang kanyang ballpen sa kakaguhit ng ibat ibang version ng number 16. May superman, may monotype corsiva at may arial. Ng umuwi ako sa bahay at pagkatapos tanggapin ang sermon na inabot ko sa aking ina at ng sigawan ako ng ‘LASENGGERA ka kasi!’. Pumasok na lamang ako sa silid tulugan, at dinama ang pagikot ng aking paningin. Malinaw ang aking katinuan.. hindi naman talaga ako lasing.. may tama lang.. hindi lang talaga ako sanay uminom ng san mig light. Sa aking pagtulog naisip ko na lamang at nasabing ‘kung andito lang ang sumisimbolo ng 16 sa buhay ko, hindi siguro nangyari yun. Pipigilan nya ako uminom at siya ang titira nung san mig light na yun, kaya nya kasing laklakin ang kahit ilang bote pa ng alak.Ngunit wala na.. wala na…

          Pero kahit wala na.. tuloy pa rin ang inuman.. sa kahit anong paraan.. sa kahit ano pa mang dahilan..
 

Currently listening: best I ever had–verical horizon at beer-itchyworm
Currently reading: inscribed under–blog a life
Currently feeling: drunk



nagbabalik..
April 2, 2007, 2:59 am
Filed under: Uncategorized

          Mainit na pagsalubong sa aking pagbabalik, ngunit muling aalis.. tama ang inyong nabasa, napadaan lamang ako at nagpalit ng anyo ng bahay at nagulat sa mga nabasa at natunghayan sa aking paglilibot sa mga malalapit kong ka co-blogger’s kilala ninyo kung sino kayo. Pasensiya na kung hindi man lang ako nakapagiwan ng kaunting mensahe, dahil naghihingalo ang aking ‘put*****’ na ISP bonanza card. Ang hirap talaga ng hindi naka dial-up katulad ninyo, kaya isang daang libong taon bago ko mabuksan ang isang blogsite, kaya maswerte ang mga pinagtyatyagaan kong basahin.. ehem..

          Naging busy ang aking buhay sa 2 buwan na nagdaan na di ako nakapagsulat dito. Busy nga ba? O nawalan ng interes sa pagbloblog. Sige na nga isa na rin sa dahilan ang pagkawala ng gana, dahil wala akong matinong internet card. Kung meron lang siguro akong mabibilis na broadband eh parati ako nakatutok sa kompyuter. Isa pa ay nagbabalak akong maglipat ng bahay, gusto ko sanang maging kapamilya na ng WORDPRESS. Ngunit sa kasawiang palad nanghihinayang ako sa mga nasimulan ko na dito sa aking pinakamamahal na tahanan ang TABULAS. Kaya naisipan ko na wag na lang muna.

          Kamusta na ba ang buhay ko? Ito buhay pa naman. Walang nagbago isa pa ring abnormal na nilalang na hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin sa kawalan. Kawalang lovelife. Wala muna akong balak makipagrelasyon sa kahit sino At teka lang kailan ba ako nagkaroon ng karelasyon?  Haha.. Napaka plastik ko naman kung sasabihin ko na ayos lang ang walang lovelife sa 19 taon na aking buhay. Siyempre di mo matatago na gusto mo rin magkaroon, yun nga lang ay hindi pa nga dumadating yung panahon na yun. Kaya mapapayo ko sa mga kapwa at kapareho kong loveless sa buong buhay nila ‘maghintay!’ o teka, may nagreact na? ang tanong paano kung hintay ka ng hintay pero wala pa ring dumadating at matanda ka na? ito lang ang masasabi ko ‘iyon ang tadhana mo!’ sana naman ay hindi..

          Tama na ang masaklap na pagibig na yan, ano na ba ang nanyayari sa mundo? Hai.. patuloy na umiikot, at sa pagikot nito nakakahilo.. kung hindi ka marunong sumabay sa agos at ikot nito ikaw ang kawawa. Walang tutulong sayo yun ang totoo, dahil sino ba ang ayaw maligtas? Lahat tayo ay nais maligtas, kaya sa panahon ng kagipitan sarili mo lang ang iyong maaasahan. Tumakbo ka kung gusto mo, bahala ka sa sarili mo!. Ganyan talaga ang buhay..
          Mahal na araw ngayon, sa mga katoliko uso pa ba ang penitensya? Pagpipinitensya ba ang pagpunta sa boracay? At pagpapatugtog ng sobrang lakas sa panahon ng pagkamatay ni hesus, eh ang pagkain ng marami sa mga handaan?. iba na talaga ngayon..
          Muli ako’y magbabalik kapag may panahon.. at may oras pa.. bahala na..

 

Currently listening: inscribed under: blogalife
Currently feeling: sleepy



mabigat na pakiramdam
February 5, 2007, 3:02 am
Filed under: Uncategorized

Masama talaga ang pakiramdam ko mula pa nung isang linggo. Hindi dahil may sakit ako, kung hindi mabigat talaga ang nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng magkwento pa sa mga taong malapit sakin, dahil di rin naman nila maiintindihan. Parepareho lang ang payo nila sakin, di ko rin naman kayang gawin yung pinapagawa nila. Wala eh, sa huli ako din ang nagdedesisyon para sa sarili ko.

          Halo halo ang nararamdaman ko, naiinis, nababadrip, gusto ko manabunot, gusto ko sumuntok, gusto ko magmura, gusto ko sumigaw at higit sa lahat gusto ko ilabas ang nararamdaman ko!.

          Di ko kaya.. bahala na..

          Pero pano ba yan! Mananahimik na lang ba ako dito, at hayaan ang panahon magsabi kung kelan ang tamang oras upang ilabas ang mga kinikimkim ko. Ang drama! Pero hayaan na nyo naku magdrama!.. blog ko naman toh diba?

Ayoko Na Yata
Parokya Ni Edgar

Naubos na ang barya
Sa kakayosi at kakabasa
Ng magazines mong nakahilata dyan sa sala
Mag gagabi na pala!
Di ba’t sinabi ko ala-una?
Mabuti na lang
Mabagal akong magbasa…
Dumating ka na sana!

Bakit di ka man lang nagbilin
Na may balak ka pala biglang mag-ice
Skating?
Kung di ka pa tinawagan
Maiisip mo kayang ako’y di bale na!
Nakakasawa din pala.
Kapag paulit-ulit
Ang buhos ng galit!

Parang ayoko na yata.
Nakakapagod din pala ang iyong mukha…
At kung may balak ka pang ulitin sa kin yon.
May ibubulong ako sa yo. putang ina mo!

Bakit nagtitiyaga sa’yo?
Ang dami-dami kong reklamo!
Parang ayoko lang magsalita
Parang ayoko na yata.
Ang daming dapat sabihin
Alam ko na kung pano gagawin
Akala ko siguro na hindi ko kaya.

At nung ika’y dumating
Mula sa yong pag-a-ice skating
Wala akong nasabi kundi.
“napagod ka ba?.kumain ka muna!”
Pagkat di ko kayang magalit
Pag nakita na kita, tumatamis ang pait!
Lagin pinipilit
Na magsungit ngunit di bale na!
Napapatawad na kita
Hindi na magagalit.wag lang ma-ulit

At nung tayo’y kakain na.
Biglang sinabi mong may lakad kang iba
At kahit gusto sana kitang awayin na.
Sinabi ko.”bahala ka.basta mag-ingat ka”

Parang ayoko na yata
Ngunit wala naman akong magagawa
Marahil, sobrang alam mong di ko kayang mawala ka.
Maswerte ka’t mahal kita.ang malas talaga!

 

 

 

its better to say ur ok, than to give too much explanation, where else they won’t even understand

Currently listening: kung ayaw mo na sa akin-sugarfree
Currently reading: inscribed under: drama ng buhay!
Currently feeling: sad



Ala Carbonara!
January 27, 2007, 1:57 am
Filed under: Uncategorized

Wala akong alam pagdating sa pagluluto at kahit na magsaing. Pero pinagmamalaki ko ang “PANCIT CANTON AT LUCKY ME” recipe ko! Ehem. Teka lang, matatawag ba na recipe yung mga instant noodles na yun? Hehehe.. Itong mga nagdaan na araw, gusto ko talaga magluto ng Carbonara o kaya’y spaghetti. Di ko alam, pero mahilig talaga ako sa mga PASTA. Kaya sa aking paglilibot sa internet, nakita ko ang step-by-step ng paggawa ng carbonara.

See at:

http://allrecipes.com/Recipe/Spaghetti-Carbonara-II/Detail.aspx

Spaghetti Carbonara
“A super rich, classic ‘bacon and egg’ spaghetti dish. Great to serve for company. This recipe also makes an unusual brunch offering.”
Original recipe yield:

8 servings
PREP TIME 20 Min
COOK TIME 20 Min
READY IN 40 Min

INGREDIENTS
1 pound spaghetti
8 slices bacon, diced
1 tablespoon olive oil
1 onion, chopped
1 clove garlic, minced
1/4 cup dry white wine (optional)
4 eggs
1/2 cup grated Parmesan cheese
2 tablespoons chopped fresh parsley
salt to taste
ground black pepper to taste

DIRECTIONS

1. In a large pot of boiling salted water, cook spaghetti pasta until al dente. Drain well. Toss with 1 tablespoon of olive oil, and set aside.

2. Meanwhile in a large skillet, cook chopped bacon until slightly crisp; remove and drain onto paper towels. Reserve 2 tablespoons of bacon fat; add remaining 1 tablespoon olive oil, and heat in reused large skillet. Add chopped onion, and cook over medium heat until onion is translucent. Add minced garlic, and cook 1 minute more. Add wine if desired; cook one more minute.

3. Return cooked bacon to pan; add cooked and drained spaghetti. Toss to coat and heat through, adding more olive oil if it seems dry or is sticking together. Add beaten eggs and cook, tossing constantly with tongs or large fork until eggs are barely set. Quickly add 1/2 cup Parmesan cheese, and toss again. Add salt and pepper to taste (remember that bacon and Parmesan are very salty).

4. Serve immediately with chopped parsley sprinkled on top, and extra Parmesan cheese at table.

Wow! Nagugutom na talaga ako.. Gusto ko na magluto ng Carbonara!!!! Yummy!!..

Currently listening: panalangin-Moonstar88
Currently reading: inscribed under: Kain na!
Currently feeling: blah



Miss nyo koh?
January 25, 2007, 3:49 am
Filed under: Uncategorized

          Hai.. Ayan sa sobrang katamaran ko magblog pangalawang entry ko pa lang ito for this January, alam ko miss mo naku, aminin mo naman!!! Hehehe…

          Ano bang bago? Dating gawi, papasok ng 5:30 ng umaga, uuwi ng bandang 7pm kapag Lecture day. Pag walang pasok matutulog ng 15 hours at pag nagising nahihilo na at masakit ang ulo!. Pustahan! Matutulog paku ulit sa hapon.. ng mga 5 hours, hanep sa katamaran!!! Hehehe…

          Madami talaga akong balak eh, kaya lang nagtataka ako wala pa ni isa akong natupad. Gusto ko sana bumili ng IPOD, putek! Andami ko naman pinagkakagastusan, ayoko naman humingi sa daddy ko ng pambili kasi magagalit lang yun sakin kasi baka daw masira ang eardrum ko dun, eh sobrang malakas kasi ako magpatugtog! TV nga lang naming minsan naka VOLUME 80 hahahaha! Lalo na pag nanonood ako ng DVD.. hehehe.. kaya nagtyatyaga na lang ako sa cellphone ko makinig ng MP3..

          Gusto ko din sanang magout of town kasama ng tropa this sembreak, kaya lang mukang Malabo.. kasi di naman ako papayagan, eh pag pinayagan naman ako.. sandamakmak na sermon ang inaabot ko.. o kung payagan man ako, sigurado pag uwi ko “nagpaparinig”.. asar talaga!! Bakit yung iba, nagagawa nilang gumimik ng madalas, bakit ako hinde? Huhuhu.. gusto nila parati lang ako sa bahay, alam kong concern lang sila sakin, pero sa tingin ko.. kung nasa lagay nila ako, at parating bahay-eskwelahan lang ang parating drama sa buhay eh magsasawa din sila..hai.. alam ko by the time na nagwowork naku dun ko pa mararanasan ang todo-gimik! Pero iba pa rin kasi kung ngayon nagaaral ako, kasi mas gusto ko maging serious sa buhay pag nagtrabaho naku.. gusto ko ngayon ako maging OUT-GOING!!!..  pero kung iisipin delikado na ang panahon ngayon.. kaya iniintindi ko na lang..kahit minsan nakakainggit..

          Until now I still don’t have a case.. *sob* at sobrang disappointed talaga ako.. DAMN!! PERPETUAL!!! DAMN YOU!!!.. and btw, I just wanted to tell this to GRETCHEN BARRETO “Stop! Making stories on TV, your not that beautiful as you thought, if that’s your way to see your comeback on screen, well it’s working but then you looks bitchy!!” naku.. anong kuneksyon, hehehe.. wala lang gusto ko lang mangaway ng artista hehehe.. at pahabol pa pala! PUTANGINANG 7-ELEVEN yan.. at number eleven really sucks!!! sige na nga!! Baboosh na til’ next time.. hahahaha…

Currently listening: maniwala ka sana-parokya ni edgar
Currently reading: inscribed under-buhay
Currently feeling: sleepy




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.